BalikTanaw Sunday Gospel Reflection


Leave a comment

Hunyo 30*Thirteenth Sunday in Ordinary Time*Buhay Misyonero

Fr. King Gaza,CM

150

Wing Garibay’s Baclaran 

Psalm 16:1-2, 5, 7-11

1Kings 19:15-16, 19-21

Galatians 5:1, 13-18

Luke 9:51-62

Maraming nagtatanong sa akin kung bakit ako nag pari? Mahirap sagutin ang tanong na ito lalu na kung kaunting panahon lang ang ibibigay sa akin upang tumugon. Bago ako, magtapos ng kolehiyo sa seminaryo, lumabas ako ng lumapas isang taon, malakas kasi noon ang kutob ko na parang may kulang sa loob ng istraktura ng seminaryo. Subalit sa isa sa mga exposures ko sa mga katutubo o pambansang minorya (kahit lumabas ako patuloy pa rin ang aking pakikisangkot at pakikipamuhay sa kanila) naitanong ng isa sa kanila kung bakit ako lumabas sa seminaryo, pinayuhan ako ng isang katutubong kausap ko na bumalik dahil mas malawak ang aking magiging gampanin kung magiging  pari ako.

Kaya nga pag tinatanong ako bakit ako nag-pari? O anong senyales ang nakita ko na tinatawag ako, parati kong sinasabing, hindi Siya ang unang tumawag sa akin, mas gusto ko kasing paniwalaan na ako ang tumawag sa kanya upang maging Niyang lingkod.

Sa linggong ito, maaaring ang maging paksa ng pagninilay ay tungkol sa pagsunod kay Hesus. Maraming naniniwala na hindi sila karapat-dapat subalit dahil sa biyaya ng Diyos nagigi silang karapat-dapat. Ibig kong tingnan sa ibang angulo ang pagsunod sa Kanya halaw sa mga binasa, una ang paglingkuran Siya ay tunay na nakakapagbago ng sarili at ikalawa nagdudulot ito ng laya.

Ang buhay pari ay tunay na komportable, may luho kahit papano, hindi masyadong apektado ng krisis ng lipunan dahil may pagkain araw-araw. Kaya malaking tukso na iwasan ang anumang sakripisyo.  Kinakaharap pa rin ng isang pari ang  problemang pampamilya o pansarili. Kaya palagiang nahaharap siya sa  pagsubok  kung mananatili sa pagpapari o maglilingkod sa pamilya.   Kung tutuusin, nararapat sa isang lingkod ang  mag silbi sa pangangailangan ng mahihirap at  hindi sa kanyang kapakanan.

Mapangingibabawan ang tukso kung inilalapit natin ang ating sarili sa buhay ng mga nagigilid sa lipunan, dahil ang kahirapan ng ating mga pinaglilingkuran ang nagpapaalala sa atin kinakailangan nating maging tapat sa ating mga pangako. Si Hesus mismo sa ebanghelyo ay binago ang pagpapakahulugan ng pagsunod sa ating Diyos, ang huwag matali sa mga personal na pangangailangan. Kung paniniwalaan natin na ang mismong mukha ni Kristo ay masasalat sa mukha ng mga nagdurusa, ang kanilang mga hinaing ay dapat na malinaw na ito ay daing mismo ni Kristo na dapat magpabago sa atin, hanggang maibigay natin ang ating sarili sa kanyang bayan.

Batay sa aking karanasan, bilang Kura ng Payatas noon, malaki ang naitulong sa akin na magsumikap makisalamuha sa mga nasa pamayanan. Isa na rito mga katagang ‘dahil kami ang nahihirpan alam namin ang solusyon sa aming nararanasan.’ Hindi ako, bilang pari, ang may solusyon sa suliranin kundi sila, katuwang lamang ako. Mahirap itong lunukin, subalit kung tunay tayong nagmamahal sa ating paglilingkod, hindi mahirap palayain ang sarili sa mga batayang pinanday ng burges na edukasyon, paghuhubog at pamumuhay. Sa ikalawang pagbasa mula sa sulat ni Pablo sa mga taga-Galatia inaanyayahan tayong magmahal at maglingkod. Ang paglapit natin sa mga nahihirapan na may pagmamahal ay pagwasak sa mga tanikalang nagbibigay limitasyon sa atin upang maging dalisay ang ating paglilingkod.

Kaya hanggang ngayon gusto kong isipin at damhin na ako parin ang tumatawag sa kanya, kaya todo ang aking pagsusumikap na ilapit ang sarili sa mga aba, kung saan si Hesus mismo, ang naroroon, at pinagsusumikapan ko na maging tapat na lingkod. Iniiwasan kong isipin na pinili Niya ako, dahil hindi ko   ibig na maging kakaiba sa karamihan, hindi ko ibig maging espesyal na iniingatan, mas gugustuhin ko na mahalin Siya sa piling ng karamihang naghahanap ng katarungan. Pinagsusumikapan kong tawagin Siya sa ganitong paraan, ang agawin ang kanyang pansin sa ganitong gawi.    ##

 

 


Leave a comment

June 23*2nd Sunday after Pentecost*OUR AFFIRMATION, OUR ACTION

Conference Minister   Rev. Nonie S. Aviso
UCCP United Metropolis Conference

Food-Sovereignty-Federico-Boy-Dominguez-266x300

Boy Dominguez’ artwork 

Psalm 63:2-6, 8-9
Zechariah 12:10-11
Galatians 3:26-29
Luke 9:18-24
INTRODUCTION

 
Our lectionary readings for this Sunday generally focuses on messiahship.
In this reflection, we shall be delving into the meaning and significance of Jesus being the Messiah as Jews and Christians believe him to be so. In so doing, we shall ponder on further on the question: “What does it mean to believe in Jesus as the Messiah in this time and context?”

 
JESUS’ MESSIAHSHIP AFFIRMED

 
Some insights we can draw and expound from the conversation. For one, Peter’s declaration of Jesus as God’s Messiah is our faith affirmation. We believe that Jesus is the “anointed one” foretold in the Jewish Scriptures.

 
To affirm Jesus as the Messiah entails not being the messiah ourselves but to be inspired and eventually take part in Christ’s messianic work especially today that masses of people in our country and the world suffer from all forms of bondage like foreign domination, injustice, poverty and their like.

 
When we claim that it is God who will bring about transformation, we partake in God’s work of transformation by joining with the people in their quest for meaningful change. We denounce evil of all forms be it structural, social, political, cultural and economic.
To affirm Jesus as the Messiah should mean teaching and facilitating people to know and affirm Jesus as Savior not only of our souls but of our body. And more importantly, joining the masses of people towards emancipation the way Jews viewed Jesus as the coming liberator of them from Roman occupation, hence, the “messianic hope.”
By asking the disciples about what do people and the disciples say he is, Jesus perhaps wants to deeply know about himself. Questions raised by Jesus to his disciples reminds us of Philosopher Socrates who argued “we must Know Thyself to be wise, that the unexamined life is not worth living.”

 
But Jesus did know fully well who he was. In an encounter with a Samaritan woman who said she knew the Messiah was coming, Jesus replied, “I who speak to you am he.” (Jn 4:25-26). During Jesus’ trial and before the Sanhedrin (the Jewish high court), the high priest inquired if he was ” the Christ, the Son of the Blessed One?” to which Jesus replied, “I am.” (Mk 14:61-62)

 
Testimonies of those who witnessed his preaching, teaching and healing ministries attest to his being a messiah. Several biblical references attest to this claim. For example, in John 1:41, after meeting Jesus, Andrew runs to tell Peter that he has found the Messiah (Jn 1:41). In Matthew 21:4-9, the Triumphal Entry, we read the crowd shouting, “Hosanna to the Son of David!” Later in the text, the author elucidated that the event was a fulfillment of the prophecy of Zechariah 9:9:
Rejoice greatly, Daughter Zion!
Shout, Daughter Jerusalem!
See, your king comes to you,
righteous and victorious,
lowly and riding on a donkey,
on a colt, the foal of a donkey.

 

Note here that according to the Hebrew prophets envisioned that the Messiah would be a king-like figure from the line of David who would, among other things, rescue Israel from her oppressors, return Jerusalem to the Jewish people, and usher in an age of peace (2 Samuel 7:12-13; Isaiah 11; Jeremiah 23:5-8; 30-31; Hosea 3:5). http://www.religionfacts.com/jesus-messiah

 
By asking the disciples about what do people and the disciples say he is, Jesus, I believe, wants those people who witnessed his marvelous works to affirm their faith in him. We do affirm our faith in Jesus, God’s liberating presence in the lives of the people and who empowers people to stand firm amidst the challenges of suffering and victimized by the unjust social structures operating in a given society.

 
One more insight, after strictly warning the disciples not to tell anyone about his being messiah, in verses 22-24, we read:
And he said, “The Son of Man must suffer many things and be rejected by the elders, the chief priests and the teachers of the law, and he must be killed and on the third day be raised to life.”

 
Then he said to them all: “Whoever wants to be my disciple must deny themselves and take up their cross daily and follow me. For whoever wants to save their life will lose it, but whoever loses their life for me will save it.

 
Jesus described to his disciples the impending suffering he would be facing serving as the messiah. And those intending to follow him should be ready to face the same predicament. This is one requirement many Christians would not want to fulfill. Forgetting the fact that the Messiah they want to follow denied himself up to the cross.

We are inspired with thousands of lives offered in serving the people. Farmers, workers, human rights advocates, clergy and lay people who opted to side and live with the struggling poor for fullness of life.

 

 

AFFIRMATION AND ACTION

 

 

There is a saying in Tagalog that goes, “Kung ano ang pananampalataya, iyon ang gawa” (Whatever is your affirmation that is your action). To affirm Jesus as the Messiah is to walk the path he had tramped. Our faith must be translated to concrete actions in favor of the suffering and struggling people.

 

Jesus went to the people and served them unselfishly. Hence, those who claim they are Jesus’ followers should do the same. The Gospel according to Jonh 12, verse 26 is a fitting reminder:

Anyone who wants to serve me must follow me, because my servants must be where I am. And the Father will honor anyone who serves me. (NLT)

And still Galatians 3:26-29:

For you are all children[a] of God through faith in Christ Jesus. And all who have been united with Christ in baptism have put on Christ, like putting on new clothes. There is no longer Jew or Gentile, [c] slave or free, male and female. For you are all one in Christ Jesus. And now that you belong to Christ, you are the true children[d] of Abraham. You are his heirs, and God’s promise to Abraham belongs to you.

CLOSING

If we say we are Christ’s believers, we allow ourselves to be his body offered for the cause of the poor and the outcasts. Jesus went about doing good for the people relegated to the margins of society in his lifetime and ministry. And we must ,  should we want to be faithful to him who called us from darkness to light to live for him and for the Gospel of God’s reign he proclaimed faithfully.

We are troubled on every side, yet not distressed; we are perplexed, but not in despair; Persecuted, but not forsaken; cast down, but not destroyed; Always bearing about in the body the dying of the Lord Jesus, that the life also of Jesus might be made manifest in our body.(2 Corinthians 4:8-10)


Leave a comment

Hunyo 16, 2019, Trinity Sunday*

Pastor Carleen Nomorosa, UMC

 

79-Holy-Spirit-ComingAwit 8

Kawikaan 8:22-31

Roma 5:1-5

Juan 16:12-15

 

Ang “Espiritu ng Katotohanan” ay hindi pagmamay-ari ng simbahan o ng kahit anong relihiyon, ito ay pangako at basbas ni Hesus sa lahat ng mga sumusunod at naniniwala sa kanya, basbas niya sa komunidad na ang pananampalataya ay patungong paglaya.

 

Sa leksyonaryong sinusundan ng maraming simbahang Kristyano ang teksto sa Ebanghelyo ay ginagamit para sa Trinity Sunday. At ngayong Linggo, ito nga iyon, ipinagdiriwang natin ang Trinity. Pero kung mapapansin ninyo, the text doesn’t say anything about the Trinity. Sa katunayan—at alam naman natin ito—ang konsepto at doktrina ng Trinity ay iniluwal ng mahabang panahong karanasan ng mga Kristianong nauna sa atin. Dahil sa kanilang karanasan at pagsusumikap na mas maunawaan at makilala ang Diyos, naririto tayo ngayon sa yugto ng ating pananampalataya kung saan ang pangunahing paraan upang unawain ang Diyos, ayon sa naaabot ng ating mga imahinasyon bilang mga tao, ay sa anyo ng Trinity. Mahaba, masalimuot at mahirap ang naging kasaysayan ng ating pananampalatayang Kristyano. Naipanganak ang mga simbahan, ang mga denominasyon, ang mga doktrina at iba’t ibang paniniwala – mahabang karanasan ang binaybay nito. Bilang Kristianong pastor at manggagawa ng simbahan, minsan ko na sinubukang balangkasin sa isang sistematikong paraan ang konsepto ng Trinity. Isa ito sa batayang gawain at responsibilidad ng isang pastor-mananampalataya: Ang sagutin sa kanyang sarili ang mga retorikal na katanungan tungkol sa doktrinang Trinity. At inaamin ko, hanggang   sa kasalukuyan,

 

Kung kaya’t nais kong ihapag ngayon na tingnan natin ang texto sa diwa ng doktrinang Trinity mahirap pa din ito ipaliwanag gamit ang mga salita at artikulasyon.

 

Marahil kasing hirap ng pagpapaliwanag ng mga sinabi ni Hesus sa tekstong ating binasa ngayon sa Juan.

 

Dalawang magkaibang bagay—”Espiritu ng Katotohanan” at “Trinity.”

. Hayaan nyo akong maglatag ng ilang mga halimbawa.

 

Ang Diyos sa Tatlong Persona, “para itong isang tao na maraming ginagampanan – isang anak, guro at ina sa kanyang mga anak.”

 

“Ito ay kagaya ng kapeng 3 in 1, kahit anong pilit mong paghiwa hiwalayin ang kape, asukal at gatas ay mahihirapan ka lamang – three in one nga e.”

 

“Ang Trinity ay parang electric fan, tatlong elesi, pero pagka umikot na ito, iisang direksyon at iisang galaw na at ito ay nakakalikha ng hangin at ginhawa.”

 

“Ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo ay isang misteryo.”

 

Ilan ito sa mga palinawanag na madalas nating marinig patungkol sa Trinity, o ang Diyos sa Tatlong Persona.

 

Naisip ko, pwede din kayang ipaliwanag ang Trinity o ang Tatlong Persona ng Diyos sa karanasan ng ating mga kapatid na LGBT?

 

Isang lesbiyana, ina at gurong may kakarampot na sweldo.

O di kaya, isang bakla, anak at sikat na artista.

Bisekswal na babae, isang babaeng namumuhay ng may HIV at manggagawang kontrakwal.

Transman, ama at isang ofw sa Middle East.

 

Mga tatlong personahe, sa iisang katawan. Trinity din ito, hindi ba?

 

Dahil mahirap ding unawain ang sekswalidad, oryentasyong sekswal (sexual orientation), pangkasariang pagkakakilanlan (gender identity) at pangkasariang pagpapahayag (gender expression). Isa sa pinaka mahirap intindihin ang usapin ng SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) sa ating panahon ngayon, lalo na kung ikaw ay namumuhay ng nakakahon sa heteroseksismong patriyarkal na konsepto.

 

Pero nakakatuwa ano? Ang Diyos, kinailangan maging Diwang Banal, ng pangatlong persona bilang kabahagi ng kabuuhan ng dalawa pa. Tapos tayo pinipilit nating, dalawa lang? Masalasanan at pagkakamali ang pangatlo? Baka kailangan natin ng malalim na pag-uusap at pagninilay.

 

Ang konsepto o doktrina ng Trinity ay isang napaka gandang representasyon na ang “Manlilikha, ang Anak (Diyos na nagkatawang tao) at ang Diwang Banal” ay hindi maaaring magkakahiwalay. Hindi mo pwedeng unawain ang Diyos sa kanyang iisang aspeto o katangian lamang. Ang isa ay mahalaga sa bawat isa para maging ganap at buo ng kanilang gawain. Ganoon din ang pagkatao. Ang kanyang ari, kasarian at uring pinagmulan ay esensyal sa kanyang kabuuan. Ang pananampalataya ay ganoon din hindi maka-indibidwal, palaging dapat may ugnayan. Pinapakita ng Trinity na hindi lamang sa dalawa ang ugnayan na ito. Hindi lang sa sarili, hindi lang sa karelasyon, kaniig o sa isa lamang ang maaaring ugnayan, kundi may pangatlo pa, komunidad ito. Komunidad na ugnayan. Kasama ang iba pa.

 

Hindi ba’t pati ang konsepto ng binary at dichotomy ay winawasak ng ugnayan ng Trinity?

Binary at dichotomy – babae at lalake, mabuti at masama, liwanag at dilim, Judio at Griego, alipin at malaya, sila at tayo, atbp.

 

Kung hindi ka ba lalake ibig sabihin babae ka? Kung ang isang batang tatlong araw ng gutom ay nagnakaw (masama) siya ba ay hindi na mabuti? Ang makulimlim ba ay maliwanag o madilim? Kung ikaw ba ay hindi Griego, Judio kana? Sa kalagayan ng ating lipunan ngayon, kung ikaw ba ay “out” na LGBT malaya ka na? Hindi kana alipin ng mapang-aping sistema?

 

Kung inyong mamarapatin, nais kong ihapag na ang Trinity at ang SOGIE ay magkahawig sa pinagdaanang proseso  ng pag-unawa. Parehong nalikha sa mahabang karanasan ng mga nauna sa atin. Ang kanilang karanasan, ang pagkatuklas sa maraming aspeto ng pagkatao at kasarian, ang pananampalataya, ang kaapihan, ang lahat ng mga pangyayari ay nag-ambag kaya ang Trinity, katulad ng SOGIE ay mailuwal. At tayo ngayon, kahit kaunti ay nasisilayan ang mukha ng Diyos sa Trinity at sa maraming aspeto ng kasarian bilang bahagi ng pagkatao.

 

Binasa ko ang kabanata 14, 15 at 16 ng Juan, upang sana mas maunawaan ang kabuuhan ng nais ibahagi sa atin ni Juan sa kanyang mga isinulat sa kanyang Ebanghelyo. Binasa ko sa tatlong version, NIV, ang Mabuting Balita at ang Pinoy Version. Napaka ganda. Baka mas maunawaan nyo ang sinasabi ko kung babasahin nyo din ang dalawang naunang kabanata, o ang buong Juan para mas maunawaan ninyo ang kanyang mema. Gagamitin ko ang Pinoy Version.

 

Sabi sa leksyonaryo noong nakaraang Linggo, 14:17, “Sya ang Espiritu na magri-reveal ng katotohanan tungkol sa Diyos. Hindi matatanggap ng mundo ang Holy Spirit kasi hindi siya nakikita o nakikilala ng mga tao. Pero kilala nyo ang Holy Spirit, kasi kasama nyo sya at sya ay nasa inyo.”

 

Sabi sa leksyonaryo ngayong Linggo, 16:12-13, “Marami pa akong sasabihin pero hindi nyo na ito kakayanin ngayon. Pag dumating na ang Espiritu, iga-guide nya kayo at ipapakita nya sa inyo ang lahat ng katotohanan. Di sya magsasalita sa sarili nya lang, pero sasabihin nya lahat ng naririnig nya at ang mga bagay na dadating pa.”

 

Sa kabanata 14:17, kausap ni Hesus ang kanyang mga alagad, na alam na nating karamihan sa kanila magsasaka at mangingisda. Sabi ni Hesus, “Hindi matatanggap ng mundo ang Holy Spirit” dugtong pa niya, “Pero kilala nyo ang Holy Spirit, kasi kasama nyo sya at sya ay sa inyo.” Nais ko itong tingnan sa aspetong, ang mga uring magsasaka, mga mangingisda o ordinaryong manggagawa ay mayroong “kamulatan” o “diwa” na hindi natin mauunawaan, kung di tayo lulubog sa kanilang kalagayan.

 

Naalala ko ang sabi ng isang kong kaibigan,  isa siyang lesbiyana, pastor at mula pang-gitnang uri (middle class). Sabi nya sa mga magsasaka, “Habang lumalaki ako, ang aking kamalayan lamang patungkol sa ‘bigas o pagkain’ ay ito ay biyaya ng Diyos. Na ang mga magulang ko ay nagtatrabaho para mabili ang mga pagkain na ito na nagmula sa grocery store. At hanggang diyan lamang ang abot ng aking kamalayan – sa grocery store. Pero hindi na ngayon, ngayon na nakilala at nakasama ko na kayong mga nagbubungkal at nagtatanim para may makain ang bayan. At kung paano kayo lumalaban para patuloy kaming pakainin.”

 

Sabi ng aking kaibigan, nasa mulat at lumalabang magsasaka ang “Holy Spirit.” At sa maraming sambahayan, lalo na sa mga pamilyang panggitang-uri, hindi ito nasasaklaw ng kanilang kaisipan. Kung kaya’t pwedeng sabihin na hindi ito matanggap ng mundo, lalo na ng maraming simbahan, sigurado ako. Kung lulubog lamang tayo sa kalagayan ng aping magsasaka, mangingisda at ordinaryong manggagawa makikita natin ang ‘Katotohanang’ nasa kanila, na hindi kayang tanggapin ng mundong ito. Katulad ng kaibigan ko, ang kanyang karanasan ay hanggang grocery store lamang, ngunit sa kanyang pakikipamuhay at pakikisama sa magsasaka, nakita pa nya ang mas malawak na galaw ng mundo – ang kalagayan at kahirapang nararanasan ng mga uring magsasaka—ang katotohanan na mas totoo pa kaysa sa “ang pagkain ay nagmula sa grocery store.”

 

Para sa akin, bilang isang babaeng pastor, aktibista at may dalawang lesbiyanang ina, ang “katotohanang nagmumula sa Espiritu” ay hindi lamang tungkol sa ari at kasarian, ito din ay tungkol sa uring pinagmulan. Ang pang-aapi at kaapihan ay palaging naka-ugat sa uring pinagsasamantalahan. At kung tayo ay wala sa “uring” pinagsasamantalahan, kung tayo ay kabilang sa maraming mayroong pribilehiyo para maigpawan ang kahirapan, huwag sanang maging sagka ito, para kilalanin ang “Katotohanan” ang “Holy Spirit” na nasa kanila –  nasa uring magsasaka, ordinaryong manggagawa, mangingisda, katutubo, silang mga tinatawag na baklang kanal na matagal ng pinagsasamantalahan. Lumubog tayo at makiisa sa laban nila, na nagsimula noon pang panahon ni Hesus.

 

Ang Trinity, ang SOGIE at ang ating mga karanasan ay maraming iluluwal pang katotohanan. Maging handa nawa tayo sa mga darating pang panahon. Ang Diyos ay patuloy na kumikilos at gumagalaw sa atin, kasama natin at sa marami pang iba. God will reveal God’s self in so many ways. Hindi natatapos ang Diyos sa Trinity. Hindi din natatapos ang pagkatao ng isang tao sa kanyang SOGIE. Hindi din matatapos ang kwento sa mga magsasakang naghihirap at walang makain, habang sila itong nagpapakain sa sambayanan. Hindi pa tapos.

 

Katulad ni Hesus, marami pa tayong maririnig pero hindi pa natin kakayanin, sa ngayon. Kaya hayaang nating ang “Holy Spirit,” ang Diwang Banal at ang Kamulatan ang mag-guide sa atin para makita ang lahat ng katotohanan at ang mga bagay na darating pa.

 

Lagi’t-lagi, tanganan lamang ang Diyos na pumanig sa mga aba, si Hesus na kasama ng mga magsasaka’t mangigisda, at ang Diwang Banal na patuloy na kumikilos mula noon hanggang ngayon.

 

Lagi’t-lagi tinatawag tayong buksan ang ating mga mata, puso at diwa.

 

At Lagi’t-lagi kung tayo ay mamulat na, kasalanan na ang pumikit muli.

 

Amen.

 


Leave a comment

Hunyo 16, 2019, Trinity Sunday*Santatlo

Fr. King Gaza, CM

Newham-Trinity-smaller

Enter a caption

Awit 8

Kawikaan  8:22-31

Sulat sa Mga Taga Roma 5:1-5

Juan  16:12-15

 

Isa sa pinakamahirap unawin sa larangan ng teolohiya ang misteryo ng Banal na Santatlo, mataas na pamimilosopiya ang puhunan upang patunayan lamang na ang Ama, si Jesus at ang Banal na Diwa ay iisa. Kaya ang karamihan tinatamad na ito ay himayin at muling susugin sa kasaysayan kung ano ang ugat ng turong ito ng Simbahan.

 

Upang matulungan tayong pagnilayan ang pagdiriwang sa kapistahan ng Santatlo, may tatlong gumagabay sa ating pag-iral: ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang kinakaharap. Hindi maaaring pag-hiwahilayin ang tatlong ito dahil ito ang bumubuo sa makahuluhang pag-iral.

 

Noong eleksyon, maraming mga isyu na parang biro subalit totoo, at marami ang nalinlang. Dahil hindi naman binibigyang pansin sa pag-aaral ang nakaraan lalu na ang panahon ng diktaduryang Marcos, tila maraming bulag sa ganitong nakaraan na ipinanalo pa ng mismong anak na si Imee ang pagkasendor. Naging bida ang mga proyektong Maros tulad ng tulay o kalsada, na may mga hamon ang bulag sa kasaysayan na ‘huwag tayong gumamit ng lahat ng kanyang ipinagawa kung ayaw natin kay Marcos.’ Parang maling argumento upang ipamukha sa iba na burahin ang puot na dinulot ng karumadumal na diktadurya.

 

May dalawang bagay na maaari nating hiramin sa dalawang unang binasa para ating mapahalagahan ang Santatlo: una, mahalaga ipaalaala na hindi kailangan kalimutan ang nakaraan, at ikalawa, may talaban ang nakaraan, kasaukuyan at hinaharap.

 

Sa unang pagbasa mula sa aklat ng Kawikaan, tila may binabanggit na pag-iral bago paman maganap ang kasalukuyan. Noong wala pa ang lahat ay may umiiral na, noong likhain ang mundo naroroon na sya/sila. Bago paman maging kolonya ang Pilipinas may mga katutubo na tayong nauna sa atin, bago paman ang gobyerno ng Pilipinas may mga umiiral na mga sistemang gumagabay sa pamamahala ng ating lupain, batid natin na bago paman ang sistemang ating tinatamasa ngayon ay may mas malayang nakaraan. May mas malinaw na batis, ilog, lawa, maging ng karagatan at malalawak na kagubatan, at namumuhay silang maaaring may sigalot subalit ginagabayan ng mga lider na may malaking kaugnayan sa kalikasan. Ito sana ang hindi nakakalimutan ng taumbayan, na ngayon agresibo sa ngalan ng pag-unlad kahit na sagasaan ang mga natitirang palatandaan ng nakaraan, tulad ng kagubatan at mga katutubo sa mga kabundukan, na pinalilikas kapalit ng mga naglalakihang dam at minahan. Mga organikong pananim ng mga magsasaka na binabago upang agad lumago sa pamamagitan ng mga pestisidyo at anupang kemikal na pataba na sumisira sa matabang lupa. Mga manggagawang pinapalitan ng mga makinarya at dayuhang mangggagawa, na nagdudulot upang sya’y maging dayuhan sa kanyang lakas at kanyang bayan.

 

Ang pagkakabihag ng mga Israelita ang nagtulak sa Diyos upang manghimasok sa kasaysayan ng kaligtasan. Sa ating kalagayan na tila muli nating inuudyukan ang Diyos na muling makialam sa ating kalagayan.

 

Sa ikalawang pagbasa, mula sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, ipinapaalala sa atin na ang ating malulungkot na karanasan ang nagpapatibay sa atin at nagdudulot ng pag-asang hindi kailan man bibigo sa atin. Kung ang ating pangulo ng Pilipinas ay nakakalimot sa dilim na dulot ng batas militar, sa kahayupan ng pamilya Marcos, sa mga dugo ng martir ng ating nakaraan at iba pang masamang bangungot na dulot ng diktadurya. Sa kanyang tahasang pagpoposisyon sa mga dating tauhan ng mga kapulisan at iba pang militar. Ang walang habas na pagpatay sa mga mahihirap sa ngalan ng Extra-Judicial Killings. Ang pagpatay at pagkulong sa mga aktibista. Ang direktang pakikialam sa malayang pamamahayag. Ang patong-patong na pangungutang sa dayuhan. Ang pang aabuso at pagmamasaker sa mga magsasaka. Ang pagdedeklara sa Mindanao ng Martial Law. Mga palatandaang muling magpapaala-ala sa atin ng lagim ng Batas Militar ng mga Marcoses, na nararapat na ipaalala sa atin na mapait ang nakaraang ito na kailangan nating iparamdam ang ating katatagan.  Ang lumaban sa kasalukuyan upang magkaroon ng pag-asa ang kinakaharap.

 

Ang mayaman nating nakaraan, ay may malaking ambag sa kasalukayan ating kinakaharap at nililikha nito ang ating kinabukasan. Kung kaya ang inspirasyon nating lumaban gamit ang mga natutunan natin sa nakaraan ay pagpapanday ng bagong umagang darating para sa ating mga anak.

 

Ang pagdiriwang ng kapistahan ng banal na Santatlo ay buong pagtingin sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Kung ang ugnayan ng Santatlo ay nagdulot ng kasaysayan ng kaligtasan, ang pagtabin ang turo ng nakaraan, ang matatag na kasalukuyan at pag-asa sa hinarap ay inaasahan magdudulot ng isang uri ng kasaysayan na liligtas sa pag-kaalipin ng bayan.

 

Ang ebanghelyo mula kay San Juan ay nagpapaalalang gagabayan tayo ng Diwa ni Kristo, kaya kung daan man ng krus ang muli nating tatahakin, umasa tayong mararating natin ang muling pagkabuhay, at pakikiisa sa Diyos, at pagpabibig


Leave a comment

June 9, 2019 Pentecost Sunday*

 Sr. Maureen Catabian, RGS 

Acts 2: 1-11
Psalm 104
1 Corinthians 12 : 3-7, 12-13
John 20: 19-23

 

Pentecost indicates a feast that is celebrated fifty days after the Passover. The meaning has since evolved into what has now become a feast of the gift of the Holy Spirit, the beginning of the new covenant on earth. The Apostles in order to praise the wonders of God, expressed themselves in tongues. (Speaking in tongues is a charismatic form of prayer that was found in the early Christian communities) People coming from the most diverse regions of the earth understood this speaking in tongues even if it was unintelligible. The Christian Pentecost is a manifestation of these two miracles.

The miracle of hearing this tongues is a sign of the universal vocation of the Church. This event is likewise being referred to as the time when the Church was born wherein the Apostles together with Mary and other women received the Holy Spirit and with courage in their hearts began to proclaim the marvels of God to all peoples.

Several meanings are being offered about this event :
• Eschatological outpouring of the Spirit wherein Peter showed that Pentecost fulfilled God’s promises because in the fullness of time, the Spirit was to be given to all.
• The crowning of Christ’s Passover wherein Jesus who died, has risen and exalted at the Father’s right hand completed His work by sending the Holy Spirit on the Apostolic community. The fullness of Easter is the Pentecost.
• The gathering together of the Messianic community wherein the spiritual unity of the Jews and the proselytes of all nations became a reality at Jerusalem on Pentecost. That all may be one.
• A community opened to all people wherein the Spirit was given in view of a witness to be borne to the ends of the earth. People became receptive to the teachings of the apostles
• Beginning of the mission wherein the Pentecost that gathered together the Messianic community was also the beginning of its mission. Filled with the Spirit they proclaimed the interior renewal that the Spirit effected on all creation of the earth.
Pentecost inaugurated the missionary identity of the Church. It is the time when the “Church in its journey to the meeting with the Lord, receives constantly from Him the Spirit which gathers it in faith and charity, sanctifies it, and sends it on its mission”.
The persecution of Christians in many parts of the world especially in Africa has been a constant nagging reality. In Burkina Faso alone there have been several consecutive incidents of killings of priests, missionaries and Christian faithful by radical jihadistes in the borders of West African region in the last two years. These violent incidents have been instilling great fear in the hearts of the people.
My experience as a missionary to Burkina Faso has been a great eye-opener as to the reality of the great social inequality that exists in our world. There have been assumptions that the ethnic tribe of “Peule” considered to be the poorest majority among the ethnic groups in West Africa are easily being recruited by these “jihadist” groups to join their ranks in the borders. The situations of extreme economic poverty and intense political divisions are just some of the factors which intensifies the proliferation of “jihadists” that wage religious wars. The issues of religious intolerance, widening economic and social gaps further aggravates the conflicts situations and lack of peace in this part of the world.
How does a Pentecost event inform the conflicting realities in this part of the world? I would like to offer some of my personal thoughts as missionary which can be levelled up as well on the socio- cultural, political and ecological levels.
Pentecost is an event that promotes unity in diversity and diversity in unity. The outpouring of the Holy Spirit on all peoples proclaims strong possibilities of understanding and respecting differences in cultures and working in collaboration. Different religions can work together in forging peace among all peoples and nations instead of using religion to divide and oppress other people. The richness in diversity of cultures is a source of true wealth and communion.
The Spirit renews the face of the earth. This good news gives us the hope and courage despite our sinfulness and personal conflicts to arouse and organize with others to transform existing unjust structures and systems in our world. Empowering through our gifts and sharing strength and inspiration with others who are suffering in pain. Being in solidarity, searching together and taking collective action to fight for a more dignified life in this world where justice and peace reigns.
As God’s creation having received the breath of life that is the Spirit, how are we breathing life as well to other creatures as the plants, animals and humans in our community and environment? How are we protecting the natural and mineral resources from plunder and destruction brought about by economic and political systems fuelled by greed for profit and personal privileges?
When filled with the gifts of the Spirit do I also speak on behalf of others who are victims of others’ exploitation and injustice? Do I offer words of encouragement to people who are downtrodden and rejected by society? For those who live in the margins and the peripheries, do I care to know when they speak about their stories and share their struggles in life?
In conflict situations or crises, do I breathe out fury, rage, hatred and anger just because my “ego” is hurt? Or do I offer words of encouragement and understanding? Am I saying divisive words or am I unifying factions within families and communities?
When faced with seeming hopeless and impossible situations, I often find myself breathing deeply and connecting within my heart, with my Source, my Spirit, my God.

Everytime this happens, I am renewed and life begins to flow again in my body for others. Our body is the temple of the Holy Spirit. Humuhugot ako ng lakas sa Espiritu Santo at walang sawang nananalangin at kumikilos para sa kapakanan ng aking kapwa at ng sangnilikha!
In the One Spirit, we were all baptized into one body. This is the Body of Christ.
Am I always of one Mind, Heart and Spirit with Christ? I hope I am.##
References:
1. The Jerusalem Bible
2. Dictionary of Biblical Theology edited by Xavier Leon-Dufour
3. I Believe in the Holy Spirit by Yves Congar


Leave a comment

ASCENSION SUNDAY*June 2, 2019*To ascend in prayer and solidarity

Sem. Keith John T. Daos,Redemptorist Seminarian

6341076-3x2-700x467

atwork: Joel Velasco 

First Reading: Acts 7:55-60
Psalm: Ps 97
Second Reading: Rev 22:12-14, 16-17
Gospel: John 17:20-26

“So it was written: the Messiah had to suffer, and on the third day rise upon the dead…….And as He Blessed them, he withdrew, and was taken to heaven.” These are two of the main points of our Gospel reading today. Before our Lord was ascended into heaven, He suffered a lot of pain and sacrifices as a result of his prophetic witness. Such an expression of unconditional love to manifest the will of God for a life with dignity and wholistic redemption.

On this very moment, many of His disciples and apostles went into a deep mourning that made them weak and almost in crisis because of discouragement. All along, they knew that the Messiah will not die and will set them free from so many forms of slavery of the Roman Empire. Jesus had explained his mission, and that the suffering was part of it, and death was inevitable. In their deepest mourning, Jesus revealed himself to the disciples. But they did not immediately recognize him, because they were filled with disappointments, discouragements, deep sadness.

Jesus never left them. He made it sure that the disciples and apostles will live out His teachings throughout their journey, as the proclaimers of God’s love all over the world. He instructs them “To love one another, as I have loved you”, and be filled with His Blessings. At this very moment, they returned back to Jerusalem with hearts full of love and of joy, and persevere to continue the missionary journey of the Lord.

In our present time, we face varied challenges. In the midst of all these, we become either weak or stronger depending upon how we cling on to our commitment and mission.

Today’s apostles and disciples are in a context where poverty defines the daily struggle of the poor.

In recent years, this poverty has become more serious because of systemic injustices, made manifest in the governance of the few elites in partnership with big business private interest. As I ponder on my experiences as a seminarian, I see with a deep sense of mourning and guilt, when I see children who are begging for food in the streets full of “wolves”, waiting for them to devour their future and ignorance; when I see families who are not living in decent homes so that you cannot imagine whether there is someone living there; when I hear farmers being killed because they fight for their rights on their own rice fields; when I see and hear indigenous people, being oppressed and killed because they defend their ancestral land; when I hear and see the victims of extrajudicial killings and their families who call for justice; and when I hear and see workers who are being abused . These lead me to question why this situation happens.

As I grow in my chosen vocation, it makes me realize that in spite of this reality, these kind of difficulties, challenges, and tribulations are not the will of God. They exist because a segment of our population benefit from this while the majority suffer from these. We need to be awakened, and let our inner self, who is in a deep sense of sleep to be awake and aware. We need to go out from our comfort zones, and that we need to be mindful and to be aware of what is happening to our brothers and sisters who are being oppressed and ceaselessly by those people who author this destructive system.

God did not want this to happen, as He did not want to see His only Begotten to be crucified on the cross and bear much sufferings and pains, but, even though it is hard for Him. He did not want us to suffer and bear much pain and much mourn like this, That is why we need to join the poor in their struggle for an abundant life.

In today’s Gospel, Jesus only wants to tell us that we, as His living disciples and apostles, need to be strong in our faith, a faith with genuine action, and to encourage each one of us to reunite in the same and one love if God. For in this love, justice will prevail, equality will be restored, human rights will be valued, God’s creation will be conserved, and God will be the center and foundation of each one’s life. We can fight for this if each one of us will respond to this call. And as for living disciples and apostles of the Lord, we are being sent to be proclaimers of God’s Love and Word, that in our present time. And as Our Lord ascended into heaven, we also need to ascend in prayer and solidarity.##


Leave a comment

Hunyo 2, 2019, 7th Sunday of Easter*Lingkod ng Dukha o Bisita?

Fr. King Gaza, CM

erpi-banner

Artwork: Boy Dominguez

Awit 97

Mga Gawa  7:55-60

Pahayag  22:12-14, 16-17, 20

Juan 17:20-26

 

Maraming pagkakataon na sa mga maiiksing pakikipamuhay sa mga dukha, nagiging komportable ang buhay ng mga taong simbahan, tuloy hindi nadarama ng mga taong simbahan ang kagat ng kahirapan. Parati kong naririning: ‘buti pa ang mga mahihirap mas mapagbigay kaysa mga mayayaman.’ Ang katagang ito ay mula sa karanasan ng taong simbahan na inalagaan, pinakain ng masarap, pinatulog gamit ang mga bagong kumot at unan, ng mga taong nakasalamuha sa pakikipamuhay. Hindi kasalanan ng masa kung espesyal ang turing nila sa mga taong simbahan dahil naghahayag lamang ito kung ano ang pagtingin ng masa sa taong simbahan, sila ay itinuturing na bisita at hindi mga lingkod.
Kung mamarapatin sana na sa mga pakikipamuhay ng mga taong simbahan o maging sinuman sa buhay ng mga nagigilid sa lipunan ay magdulot sana ng pagbabago ng kalooban at maitulak na makisangkot ang mga nakikipamuhay hindi dahil sa pagiging maalagain ng masa kung hindi sa hindi makatarungang kalagayan ng mga ito, tunay na magiging mabunga ang pakikipamuhay.
Si Hesus sa ebanghelyo ay naghayag kung gaano naging epektibo ang kanyang pakikiisa sa sangkatauhan, na maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Ama ay hindi maaaring maaalis ang kanyang pakikipagpalagayang loob sa Ama ang pag-aalala sa kanyang mga nakasalamuha. Ano nga ba ang naidudulot ng pakikiisa o pakikisalamuha sa mga tao lalu na sa mga nahihirapan?
Ibig kong hiramin ang mga punto ng nasa unang binasa mula sa aklat ng mga Gawa at sa aklat ng Pahayag. Una nagdudulot ito ng magandang pananaw sa kamatayan at itinututing ang biyaya bilang katarungan.

Sino ba naman ang ibig mamatay, kaya halos lahat ng intensyon sa misa o anuman dasal ay mabilisang paggaling, pag-adya sa anumang kapahamakan at iba pang mithiing maiwasan lamang ang kamatayan. Sa aklat ng mga Gawa ihiniyag ang kamatayan ni Stephen ang unang martir sa pananampataya, inabot ang kamatayan dahil sa kawalang takot na ipahayag ang salita ng Diyos na bumagabag sa mga makapangyarihan sa kanyang panahon. Hindi ba’t ito rin ang inaasahang ibinubunga ng ating pakikiipamuhay sa mga maralita, na mahamon tayong tingnan ang kalagayan na ito’y labag sa kagustuhan ng Diyos kaya kailangan nating tuligsain ang anumang nagpapahirap sa kanila. Ang kalagayan ng mga mahihirap na ating nakakasalamuha ay nararapat na magtulak sa atin sa pakikisangkot sa kanilang pakikibaka, magdulot man ito ng kamatayan tulad mismo ni Hesus at ni Stephen na ibinigay ang sarili para sa mga taong kanilang tinawag na mga ‘kaibigan.’
Maraming beses na inaantay natin ang mga biyaya sa buhay, kaya halos kalampagin natin ang langit upang ibagsak sa atin ang mga biyayang ating inaasahan na makakaalwan sa atin, sa mga panahon na hindi agad maibigay may tampo tayong nararamdaman. Sa aklat ng Pahayag, naging makatarungan si Hesus sa kanyang pangako na muling darating, lalu na sa mga naniwala sa kanyang siya’y muling mabubuhay, tapat si Hesus sa kanyang mga pangako. Sa ating pakikisangkot bilang bunga ng ating pakikipamuhay , patuloy tayong inaanyahan upang maging lingkod at hindi habang buhay na bisita ng mga dukha.  Ang pagtanggap nila sa atin ay pag-anyaya  na maging  tapat  sa  pagpatuloy ng  pakiisa sa laban ng mga dukha. Sa ganiting diwa naipararamdam ang katiyakan  na  buhay sa atin si Hesus?
Ang pakikiisa isa sa atin ni Hesus, sa kanyang pagkakatawang tao, ay pagdanas nya ng hirap at kamatayan subalit nagdulot ito ng pagkabuhay, hindi lamang niya mismo kung pagkabuhay ng pag-asa ng mga taong nahihirapan. Kung pagyakap sa kamatayan ang ibinubunga at ang biyaya ay katarungan, ang lahat ng ito’y bumubuhay sa kalooban ng mga dukha at inaapi, ang pakikisangkot sa kanilang pakikibaka ay malaking ambag upang magpatuloy silang mag hangad ng buhay kasiyaya at makatarungan pag-iral.##