BalikTanaw Sunday Gospel Reflection


Leave a comment

July 2, 2017, 13th Sunday in Ordinary Time (3rd Sunday after Pentecost)*When There Is No Risk, There Is No Adventure

s463025724710779803_p60_i44_w640Of intentional candles, giving one’s life, and adventurous living…

As I write this, my candle of intentions melt away together with all intentions of people I am praying for. My faith assures me that my prayers are received as the smoke of my flame of worship rises and wafts in the humid air.  This is a commitment I have made for friends on Facebook.  Those of us who needed prayers have come together to pray.  This is our sacred cyberspace.  Why pray in cyberspace? Why pray for each other?  Facebook has provided for us a space for prayer.  Because Facebook is all about connection.  People need to connect.  Since the dawn of time, people have been communicating – to one another, and to nature.  We are a species that needs this connection.  Which is why we hurt when we are disconnected from whatever we are attached to.   It is humanly beautiful  to connect and it is painful to disconnect.

When I first encountered this group of verses in Scripture( Matt 10: 37-42), I stopped and questioned it.  Is this Good News? How can this be good?  And what of paradoxes?  Google describes paradox as a seemingly absurd or self-contradictory statement or proposition that when investigated or explained may prove to be well founded or true. We encounter in Jesus’ preaching, phrases like ‘losing and finding’, ‘dying and living’, and ‘(giving) even a cup of cold water  to one of  the little ones’  is rewarded?  I would like to believe that Jesus, in the hope of catching the attention of the crowd, aside from storytelling, uses a literary device in order to bring to the fore his purpose.   Who would not be attracted to listen in awe and wonder at this style of speaking?

Perhaps in the time of Jesus and his disciples, following him must have been romanticized.  It must be  “wow” to follow this man who was “different”.  This man who spoke in deep words was so attractive because he seemed to be walking his talk.  But Jesus must have noticed this and hence, these words of warning…Be careful…Following me is not  carefree living with all the material rewards.  You will not be always happy, and moreover, it will not be a peaceful life.  Then the clincher…You want to follow me? It will not be easy…Beware…If your love is divided, your attention is divided.  I want your time.  I want your whole life.  I want you to be disturbed.  I want you to see me in others particularly those who are pushed to the peripheries in society.  Who are these in your life? Can you see them with your eyes?  Can you hear their cries with the “ear of your heart”? Do you smell of their odors? Can you feel their burdens?

 Jesus  calls. And he calls with a clear voice.  David Adam, in A Desert in the Ocean( Omnia Books, 2000), calls this “God’s call to adventurous living”.  He further writes, All at once something calls us and demands that we say ‘goodbye ‘ to the life we have been living and set out on a new course, ‘to follow, to seek, to dare.’(p. 16)

To seek.  To follow.  To dare.  Three things we must  do if we want to be authentic followers of Christ.  The Christian seeks, then follows, then, it does not stop at following.  The Christian dares.  The Christian dares to be challenged by life’s barest, basic, messiest human encounters.  When we are followers of Christ, we risk our lives.  Because when there is no risk, there is no adventure.

I look again at my lighted intentional candle.  The flame begins to take a strange shape.  Because the wick is not cut well, the flame dances and takes the form of a heart.  A heart a-flame with love.  If I love, I fear not. I am assured of Christ’s faithfulness when I go and take on this mission called Christian life.  A life of adventurous living. It is not a verse with a hidden meaning.  It is a real call.  The call to leave everything in order to be empty.  So that there will be room for feeding the hungry, giving drink to the thirsty, clothing the naked… This is adventurous living.##

Weena Salvador Meily

Teacher Alternative Learning System

La Salle Green Hills, San Juan  ( Philippines)

 

Photo grab from http://www.heqiart.com/store/p60/15_Calling-Disciple_Artist_Proof.html


Leave a comment

June 25, 2017, 12th Sunday in Ordinary Time (2nd Sunday after Pentecost)*Magpakatatag

 

AWIT  69:8-10,14,17,33-35

Jeremias 20:10-13

Roma  5:12-15

Mateo  10:26-33

 

Ang tatlong pagbasa kasama na ang salmo ay naglalahad sa atin ng katapangan sa gitna ng mga pag-uusig.

Sa unang pagbasa, makikita natin si Jeremiah na inuusig dahil sa kanyang mga salitang binibitawan niya ukol sa paghuhusga na ikinagalit ni  Pashhur, na isang paring pinuno. Dahil dito, pinahuli si Jeremiah at ikinulong, ng kinaumagahan pinawalan siya,sinabi ni Jeremiah sa kanya na binago ng Diyos ang kanyang pangalan, mula sa pangalang Pashhur, binago ito ng Diyos at ginawang, Magor-missabib na ang ibig sabihin ay kakikilabutan ang sarili at sa lahat ng kaibigan.Ito ay dahil sa  pag-uusig na ginawa niya kay Jeremiah.

Sa ikalawang pagbasa, inilalahad din sa atin ang pagtalikod sa mga gawaing masasama na kumikitil sa atin, ito  ay pagtalikod kay Adan at pagyakap sa panibagong buhay na ibinibigay ni Hesus. Sino nga ba si Adan at ang simbolismo niya sa atin? Si Adam ay simbolismo ng mga  kasalanan na pumapatay sa atin. Ngunit ayon kay Pablo, tayo ay maliligtas kung ating tatanggapin ang grasyang ibinibigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Hesus, isang imbitasyon sa  pagpapanibangong buhay mula sa lumang buhay ng kasanan.

Sa ating ebanghelyo, dito inilalahad na  hindi dapat matakot ang mga nagsisilbi sa Diyos, kahit pa dumating ang pagtutugis o suliranin sa kanila. Ito ay sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo ng nagsisimula pa lamang silang magpahayag ng mga aral mula sa kanilang Maestro. Ang kanilang buong  tiwala ay hinihingi ng Diyos, kahit pa hindi nila alam ang maaaring mangyari.

Sa ating panahon ngayon, napakaraming pag-uusig ang nagaganap lalo na sa mga nagsasabi ng katotohan. Alam nating lahat na ang laban  ng mga nagsasabi ng tapat at totoo ay napakahirap dahil sa uri ng mga namumuno sa  ating pamahalaan.

Isa na rito ang  nangyayaring tokhang ng pamahalaan na  nagdudulot ng trahedya sa bawat pamilyang nabibitikma nito.

 

Si Crissy, 14 taong gulang, kasama niya ang dalawa (2) niyang kapatid na 9 at 7 ay nakilala ko sa isang summer camp para sa mga pamilya ng mga nabiktima ng tokhang ng pamahalaan. Isang hapon, nakatrinig siya sa labas  ng barung-barong ng ingay, hindi maintindihang sigawan, mga malalakas na yapak ng mga paa na papalapit sa kanila. At sa isang iglap, may isang nakatakip mh mukha na sumira sa bintana nilang natatabingan ng sako at mula sa nasirang sako ay isang kamay na may hawak na baril ang pumutok sa nuon ay natutulog niyang tatay sa papag. Tatlong putok sa mukha, isang tama sa dibdib ang pumatay sa tatay niya, pagkatapos ng pagbaril ay umalis na ang mga lalake. Naiwan ang duguang bangkay ng kanyang tatay. Ang tanging narinig niya mula sa bumaril ay , siya bay un?”isang tanong na alam niyang ang dapat na sagot ay hindi dahil paanong ang tatay niya magiging pusher kung sa tatlong taon na natirang buhay ng tatay niya ay naganap sa papag, na may katabing oxygen tank at ang hose nito ay nakakabit sa ilong ng tatay niyang halos buto’t balat.  Paanong magiging pusher ang tatay niya kung sa araw –araw na ginawa ng Diyos sa tatlong taon ay hindi niya nakikitang lumayo sa papag nito, dahil sa nakakabit ang hininga nito sa oxygen tank.?

Kasama sa naakusahan na pusher ay ang ate  niya na dinala rin sa presinto at nuon ay buntis sa ikalawa nitong anak, at dahil saw ala silang maibigay na limapung libo sa  mga pulis na humuli sa ate niya, ito ay nanganak sa loob ng kulungan. At hanggang ngayon ay nakakulong, ang nanay niya ay inatake sa puso ng mabalitaan na binaril ang tatay niya. Ngayon, sila ay kinukupkup ng lola nila na 85 taong gulang.

Ang sabi ng Diyos ay magpakatatag sa gitna ng panganib at pag-uusig, maraming tumututol sa nagaganap na pagsugpo ng pamahalaan sa mga pushers at adik. Maraming tumututol sa nangyayaring  tahasang pagbalewala sa karapatan ng mga bawat mamamayan. Maraming pagkilos na ang inilunsad ng iba’t ibang sector at grupo upang tahasang kondenahin ang ginagawang walang saysay na pagpatay at hindi pagpapahalaga sa buhay. Ngunit, alam din naman natin na ang pamahalaan ngayon ay mapag higanti, mapang-usig sa mga sumasalungat sa kanilang nais. Saan tayo ngayon lulugar bilang mga nagtataguyod ng buhay at taga sunod ni Hesus sa gitna ng pag-uusig na nararanasan natin mula sa mga taong may hawak ng kontrol at kapangyarihan sa ating bayan kahit pa ang kapalit nito ay karahasan sa ating buhay at pamilya o organisasyong ating kinabibilangan? O tayo ba ay susunod sa sinasabi ng mga pagbasa na tagapag taguyod ng katotohanan katulad ni Jeremias at mga apostoles kahit pa ang kapalit nito ay pag-uusig mula sa napakaraming tao, na minsan ay kasama natin, ating sariling mga kaibigan o mga kakilala? Ngunit, lagi din naman nating tandaan, ang grasya ng Diyos ay sasaatin sa gitna ng mga pag-uusig at hindi Niya tayo pababayaan.

 

Merian Aldea

Institute for Woemen’s Studies

Manila

 

 

 

 


Leave a comment

June 18, 2017, 11th Sunday in Ordinary Time (5th Sunday after Pentecost)  * Joy in Faithfulness

 

Psalm 100:1-3, 5

Exodus 19:2-6

Romans 5:6-11

Matthew 9:36-10:8

 Psalm 100:1-3, 5

It seems so hard to be joyful in this kind of world we live in today. War and poverty surrounds us. Work and sickness occupy our minds. We tend to forget to see the brighter side of life because these. We tend to forget the bigger picture of how wonderful it is to live in this world.

God wants us to be joyful , but  circumstances like wars and hunger  would make it difficult to be joyful.  We long for a beautiful day when we can fully celebrate and rejoice.   for us. This psalm reminds us to rejoice and give thanks for God’s faithfulness in our lives.

It is for us to continue with the fight and struggle for freedom, justice, and peace, so we can find JOY  in the process of fulfilling the dream. No matter how hard life is, if we participate in justice and peace building, we will  experience the JOY   beyond understanding.

Psalm 100 reminds us to be hopeful and to trust God to work in our lives. It calls us to acknowledge the sovereignty of God over all creation and that he will never forsake his children. Therefore, we should carry on with the struggle for he has been faithful throughout generations.

Exodus 19:2-6

                 The Israelites have this tendency to forget how God has been faithful to them through all the years. That is why God always reminds them how he had brought them out of the oppression and slavery of Egypt, how he carried them on eagles’ wings.

The Lord now is making a promise to them that they will be a set-apart people and nation, that they will be God’s “treasured possession” on the condition that they will fully obey and trust in God. How great and wonderful it is to be called and part of a “kingdom of priests and a holy nation” by just being faithful to God.

God is faithful in our life that is why we should also be faithful to him. The question is have we kept God’s commandments even though we experience a lot of struggles in life? Have we remained faithful and put our whole trust to him throughout our hardships? God continues to call us to remain faithful to him and never forget his saving works. We should never forget that God is in control of the whole world and that he will never forsake us no matter what happens. He just asks us to remain faithful to him as he is with us.

Romans 5:6-11

                 The Apostle Paul tells and reminds us that the salvation brought about by life and death of Jesus Christ is for all – for the righteous and the unrighteous. God’ grace is total. He points out that in whatever situation we may be, the saving power of Jesus is there to heal and make us whole. It also tells us that God is fair and just and that he treats and looks at his creations equally. Just like in the Exodus story, God brought the Israelites to the promise land despite of their hard-headedness. Even though we turn our backs on him, he is still there for us. God’s saving grace is always there.

Matthew 9:36-10:8

This passage reminds of our calling as disciples of Jesus Christ. We are to go and reach out for the lost sheep – to those who need God the most. We are to bring healing to the sick and wholeness to the broken. Christ  challenges us to serve and minister to the fullest of our ability, to reach the unreachable, to love the unlovable. The harvest is still plenty and the workers are not enough. That is why we must keep on encouraging one another  to   reach  out for more people, to be vessels of Christ’s healing and wholeness.##

 

Tomas Jerico(TJ) Aliwalas

United Methodist Church

Las Pinas City


Leave a comment

June 11, 2017, Trinity Sunday* Ambo

az-large-2472200Daniel 3:52-56

Exodus 34:4-6, 8-9

2Corinthians 13:11-13

John 3:16-18

 

With all what’s happening around us, this gospel came in just in time. This is all so familiar to us. Something about sacrifices and being selfless – something I’d be very eager to write about. Going back to this gospel reflection and how it is connected to what’s happening around us, this time, I’d be writing as a “woke-millennial” (search definition: woke, millennial) whom is deeply troubled with how things are unfolding at a pace where it is hard to keep up and how people are getting hurt with the worsening and troubling conditions around us and how people tend to not even care.

Breathing out heavily, one may ask “bakit kasi hindi na lang umayon ang lahat sa nararapat?” – a time where peace is everywhere, people live contented and happy, all races and religions live in harmony, injustice is long dead like the dinosaurs, people living a full and abundant life. That’s the ultimate goal – people sharing the same favorable living condition but what’s happening now is the other way around. Another question would be “how do we get there?”. Definitely, history has proven the worth of collective action. People working together towards a common goal. But, what’s happening now is – still, the other way around. There are those who choose the path less travelled, those who follow the footsteps of Christ by serving others, being a person for the voiceless, the marginalized.

The first time I heard this verse was from a young martyr’s mother. When I was writing my thesis on families of extrajudicial killing victims, after the interview with Ambo’s mother, she wrapped up the very emotionally dragging interview with this gospel. She said, “kapag naaalala ko kung paano nila pinatay ang anak ko, naaalala ko itong berso mula sa Bibliya…” and then she recited the verse. While she was reciting John 3:16, I felt the mother’s pain despite what happened to Ambo happened some years back. Ambo was a young martyr. An active church youth, an organizer, a lover. That’s how I would remember him even if our paths did not cross. He was killed in 2006, the height of the political killings during the Arroyo regime. Some years before he died, he did what his faith led him to – side with the oppressed, be the voice of the poor and the hungry. He left this world in such a meaningful way.

With all the chaos happening today (hindi naman nawala ‘yan e.). Sacrifices and doing what’s right is something that could make a huge difference. Even if it means pain, even if it involves leaving. A challenge for our generation is for us to become more caring, more loving, more selfless. Because, living is not living if you haven’t found something worth dying for. A millennial expression – YOLO or you only live once, live not only for yourself but live for others. That’s how we should be. Sacrifices. YOLO. Love. ##

 

Em MIjares

Roman Catholic Youth

 


Leave a comment

Wikang Nauunawaan

he-qi-pentecostJune 4, 2017, Day of Pentecost

Psalm 104:1, 24, 29-31, 34

Gawa 2:1-11

1 Corinto 12:3-7, 12-13

Juan 20:19-23

Ang Shavout o Pentecostes sa Griego ay isa sa mga pista na pinagdiriwang ng mga Judio. Ang pista ay patungkol sa pag-aani o ang pagpapasalamat sa mga ani na kanilang nakuha. Sinasabing ito ay engrandeng selebrasyon ng pagpapasalamat. Ito ay ang ikalimampung araw pagkatapos ng Paskuwa o Passover. Makikita sa Levitico 23 ang mga itinakdang kapistahan na may mga alituntunin kung paano ito gagawin ng mga Israelita. Sa tradisyon ay ito ang pista na ipinagpapasalamat ang mga ani at kasabay nito ang pag-aalay para sa pagpapakita ng pasasalamat.

Levitico 23:16

ang ikalimampung araw ay tatama sa kinabukasan ng Araw ng Pamamahinga. Sa araw na iyon magdadala kayo ng handog na pagkaing butil.

Ang selebrasyong ito ay sinasabi ding ikinakabit sa panahon kung saan ibinigay ang mga utos kay Moses sa Bundok ng Sinai. Pinaniniwalaan ng mga Judio na sa ganitong panahon din noon ibinigay ang mga Kautusang ito para sa bayang pinili ni Yahweh.

Nasa ganitong pagdiriwang nangyari ang ating binasa sa aklat ng Mga Gawa kung saan ang mga alagad ni Hesus ay napuspos ng Espiritu Santo at msy tila dilang apoy na bumaba sa kanilang mga ulo at nagsalita sa mga wikang nauunawaan ng mga debotong naroon sa lugar kung kaya nagtanong pa sila na “Hindi ba mga taga-Galilea silang lahat? Bakit sila nakakapagsalita ng ating wika?” Gawa 2:7-8

Sa Ebanghelyo naman ni Juan ay makikita na ang pagpapakita ni Hesus sa mga alagad na nababalot ng takot. Sa mga alagad na sa kanilang pagkatakot ay nagsara ng pinto at doon ay nagtipon sila at nagsama-sama. Sa kanilang kalagitnaan ay dumating si Hesus na ang winika ay “Sumainyo ang kapayapaan.!” Pagkasabi niyon ay ipinakita niya ang kanyang mga kamay at tagiliran. Muli ay sinabi niya ang “Sumainyo ang kapayapaan!” At pagkasambit niyon ay isinugo ang mga alagad katulad ng pagsugo sa kanya ng Ama. Pagkatapos ay hiningahan niya sila at sinabing “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” at winika niya sa kanila na ang sinumang patawarin ninyo ay pinatawad na nga, at ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.

Ang Espiritu Santo ay binigay sa mga nagkakatipong alagad, hindi sa indibidwal o sa iisang taong nagdarasal. Sa isang komunidad na nasa diwa ng pasasalamat at pananampalataya o sa isang komunidad o grupo na nagkakatipon dahil sa pagkatakot o pagkabalisa. Ang diwa ng pagsasama-sama o pagsasalo-salo ay binibiyayaan ng Espiritu Santo kung saan ang isang buong komunidad ay magiging pagbabago at pag-asa sa iba at sa mas nakararami.

Sa ating buhay pananampalataya ba ay nauunawaan pa ba tayo ng mga nakakasaksi o nakakarinig sa atin o ang ating mga pananalita ay tila hindi na nakaaabot sa iba? Hindi na nakakaabot sa kalagayan ng mga dukha at aba? Ang ating wika ba ay para na lamang sa iilan na nakapagpapasalamat sa mga biyayang natatamasa? Sila bang nasa kalagitnaan ng bombahan, karahasan, patayan at kapighatian ay nauunawaan pa ang ating winiwika? Noong napuspos ang mga alagad at nagsalita sa iba’t ibang wika marami ang nakaunawa at namangha at sila’y sumampalataya. Ang ating wika ay dapat lamang nauunawaan at nagsasalamin sa kalagayan ng mga aba, ang mga api at dukha. Tayo bang mga taong simbahan, mga propetang tinuring ng ating mga panambahan ay nauunawaan pa sa ating mga winiwika o tayo tayo nalamang ang nagkakaintindihan? Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa nagkakaisang komunidad o grupo na kung saan ay naging pag-asa at pagbabago para sa iba. Nag-aalay ng kung ano ang mayroon sila para ang iba ay magkaroon (Gawa 2:43-47). Sabi nga sa pahayag ni Propeta Joel “Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip. Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae, at ipahahayag nila ang aking mensahe. (Gawa 2:16-18) Ang Espiritu Santo ay ibinuhos na – hindi lamang sa kung sino ang naghahawak ng Bibliya. Ito ay ibinuhos sa kung sino ang nagkakatipon sa pananampalataya, sa diwa ng pagkakaisa at ang mga gawa nila ay nagpapakita ng pag-ibig sa kapwa.

Katulad ng kapayapaan na ibinigay ni Hesus sa mga alagad na natatakot, ganitong kapayapaan din ang ating pinangahahawakan ngayon – ang kapayapaang nakikita ang bawat sugat ng karahasan, ang kapayapaan na nagsusugo sa atin upang ito ay isakatuparan at maranasan ng mas nakararami, at ang kapayapaan na naghihinga ng buhay. At ang sinumang ating patawarin, ay patatawarin at ang hindi patawarin ay hindi nga pinatawad. Tayo ang magpapasya ng kung ano ba ang sinasabi ng ating pananampalataya, patatawarin ba ang imperyong patuloy na nagpapahirap sa marami nating kababayan? Ang sistemang mayroon tayo na ang mga api at dukha ang patuloy na sinasagupa ng karahasan? Patatawarin ba ang malalaking korporasyon na pinaglalaban laban ang mga manggagawa at ang ating mga kababayan? Sinabi ni Hesus noong kanyang inihinga ang Espirit Santo patatawarin ang inyong mga pinatawad st hindi patatawarin ang mga hindi ninyo pinatawad. Panahon na upang tayo ay magtakda na hindi palalagpasin ang mga karahasan na patuloy na nagpapahirap sa kanilang mga inosente at api! Hindi natin dapat hayaan, tayo mismong mga taong simbahan na basta nalang inaapi, inaalipusta at patuloy na niyuyurakan ang mga kababayan nating pagod ng lumaban. Panahon na upang gamitin ang iba’t ibang wika upang magmulat at makibaka. Panahon na para tayo din sa kabila ng pagkabalisa at takot ay lumantad na at dalhin, isakatuparan ang kapayapaan.

1 Corinto 12:4-7

Iba’t iba ang espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa ay binigyan ng kaloob na nagpapakita na nasa kanya ang Espiritu.

“Para sa ikabubuti ng lahat” tayo ay binigyan ng mga kaloob ng mga kakayahan na nagpapakita na nasa atin nga ang Espiritu. Sa NRSV translation 1 Corinthians 12:7 “To each is given the manifestation of the Spirit for the common good.”

Nawa sa ating mga buhay pananampalataya ay makita nga na ang ating mga ginagawa ay para sa kabutihan ng nakararami, for the common good, para sa ikabubuti ng lahat.

Bilang Iglesiya, bilang mga institusyon o organisasyon, bilang iisang komunidad na kinikilala ang pananampalataya kay Hesus at sa mga itinuro ng buhay at ministeryo ni Hesus – ang Espiritu Santo ay ibinigay na, ibinuhos na, magtulak at tumulong nawa ito sa ating mga pagkilos at gawa.

Napapaisip ako kung ang Pentecostes ba ay tutulong sa ating mga Kristiyano ngayon upang maunawaan ng marami ang ating pananampalataya

Katulad ng kung paanong ang mga alagad noon

Ay nakapagsalita sa ibat ibang wika

Na marami ang nakaunawa..

Pag nagsabi ba tayong #PrayForMarawi

Ano ang ibig sabihin nito sa kanila

Ang mga wikang ito ba ay mag-aabot ng pag-asa

Para sa kanilang mga pagtangis at pag-aalala?

Para sa mga tomboy at bakla

Ano ang ibig sabihin sa kanila ng ating pananampalataya?

Nakapaghahatid ba tayo ng pagtanggap at kalinga

O pagyurak at panghuhusga?

Para sa mga iba ang pananampalataya

Ano naman ang sinasabi ng ating mga pang-unawa?

Terorista mga halang ang kaluluwa!

O di kaya ay mga kulto hindi totoo ang pagsamba!

Aminin mo ganyan ka mag-isip patungkol sa iba..

Sa kanilang may sakit na malubha (PLHIV)

Ano naman kaya ang ating pananampalataya sa kanila?

Nakapaghahatid ba ng pag-asa?

O pangagaralan muna ng moralidad bago bigyan ng kalinga

Para sa mga pamilya ng na tokhang

Hanap ba natin sila?

Kaya ba ng ating pananampalataya na makibahagi sa nararamdaman nilang dusa?

O sabihin nalang ang paborito nating mga kataga?

Kapatid, papanalangin kita..

Sa mga inagawan ng lupa

Paano mararamdaman ang ating pananampalataya?

Sabihin nalang natin na hayaan nalang silang mga nagkamkam

Pagkat sa langit ay mayroon naman silang mansyon at kayamanan?

Ang Pentecostes nawa ay tumulong sa atin

Upang lumalim ang ating pagkaunawa

Na ang Espiritu ay nagbigay ng kakayahan upang ang mga alagad ay makapagsalita

sa ibat ibang wika

At maintindihan ito ng marami.

Itulak nawa tayo ng ating karanasan

Tulungan nawa tayo ng Espiru Santo na gumamit ng ibat ibang wika

Upang maintindihan tayo ng maraming kababayan

Kahit pa nga bekimon pa ang lingwaheng iyan.

Kapayapaan!##

 

Pastor Carleen Nomorosa

Administrative Pastor

Bagong Buhay United Methodist Church

 

Larawang hinalaw mula sa https://www.bibleodyssey.org/en/passages/main-articles/pentecost